Bakit? Bakit nga ba kailangan natin malaman lahat ng rason kung bakit tayo nasasaktan? Bakit ang daming katanungan na nabubuo sa isip natin? Bakit nga ba tayo niloloko? Bakit tayo nabuhay, para lang ba maranasanan lahat ng mapapait na pagsubok sa buhay? Bakit sa lahat ng tao sa mundo, yung mahahalagang tao pa talaga ang unang dudurog sa puso natin? Bakit kailangan pa natin sila makilala kung iiwan din lang pala tayo sa dulo? Bakit sa una lang masaya? Bakit kailangan pa maghirap, masaktan, madurog nang paulit-ulit, hindi ba pwedeng maging masaya nalang palagi? Bakit ang unfair ng mundo? Bakit lahat nalang ng nagmamahal ng totoo, sila pa ang iniiwan? Minahal ko naman siya pero bakit niya pa rin ako nagawang lokohin? Bakit ang daming katanungan pero sobrang labo ng mga sagot? Bakit?