33 parts Ongoing MatureSa Eastwood Academy, kilala ang Section X bilang pinakamagulong klase sa buong paaralan-isang grupo ng mga lalaki na hindi natitinag ng sinuman. Pero nagbago ang lahat nang dumating si Celeste "Cee" Marasigan, ang unang babaeng itinapon sa sekson na 'to.
Sa una, pilit siyang pinalalayas ng leader na si Rafael "Raf" Velasco, pati na rin ng ibang miyembro. Pero kung akala nila'y basta na lang siyang susuko-nagkakamali sila.
Sa loob ng Section X, hindi lang pasaway ang labanan. May awayang babae, gulo sa pagitan ng mga sekson, at romansang hindi inaasahan-kasama na ang pag-usbong ng isang BL na kwento sa loob mismo ng grupo.
Ngunit sa likod ng lahat ng kalokohan at drama, may isang tanong na bumabagabag sa lahat...
Totoo nga bang may sumpa ang Section X?