Kwento ng pag iibigan ng isang Tao at sirena sa isang mala pala paraisong isla. Ang paghihiganti ng isang sirena dahil sa kabiguan sa unang pag ibig na nagdulot upang kumuha siya ng mga kalalakihan upang ikulong sa kanyang paraiso. Hindi lahat ng pag ibig ay may happy ending... kinakailangan natin minsan tanggapin ang realidad ng buhay na ang mga sirena ay para sa katubigan at ang mga tao ay sa kalupaan... May limitasyon ang lahat ng bagay sa mundo. Kayganda doon at parang paraiso... walang araw ngunit kay liwanag... nangingislap pa ang mga puting bato na parang mga kristal, kay puti din ng buhanginan at kay sarap tapakan ng kanyang hubad na paa, ang asul na karagatan ay napakaganda ring pagmasdan dahil banayad at walang ka alon-alon at sa dako pa roon sa kristal na batuhan ay may kweba. Agad tinungo iyon ng binata at dahan dahang pinasok. "M-may tao ba dito ?" tawag niya. Walang sumasagot pero nakakarinig siya ng mga pagngasab na tila sarap na sarap sa pagkain. Binaybay pa n'ya ang loob at nakita niya na ang pag ngasab na yaon ay galing sa isang babaeng nakatalikod ngunit nakalublob sa tubig ang kalahati ng katawan. "Ms. pwedeng mag tanong anong lugar ito... ?" magalang na tanong ng binata. Nagulat si Heron ng biglang humarap ang magandang mukha ng isang babae, bagaman at umaagos sa bibig ang dugo at may hawak na isda ang tig kabilang kamay, ang babae ay nagtataglay ng gintong buhok... kasabay nang matinis na paghuni ng nilalang ay ang paghampas ng kalahating katawang- isda nito sa tubig. "S-sirena...!" malakas na hiyaw ng binata sa sobrang pagkagulat at takot.All Rights Reserved
1 part