Wagas na pag iibigan ng dalawang pusong pinaglayo ng tadhana, dumaan man ang maraming taon at mga pagsubok, sa huli napatunayan na ang Pag ibig handang maghintay ng tamang panahon at pagkakataon.
-talaga ba iho ?, ung bang lagi kung kinukwento sa iyo... si Pablo ang aking... One great Love, si Pablo ang aking pinakamamahal... gusto ko na siyang makita..." hagulhol nito.
"Andito na s'ya mama... nandito na ang taong pinakamamahal mo... natapos na rin sa wakas ang matagal mong paghihintay at pangungulila... !" mangiyak ngiyak din noong tugon habang pinapahiran ang mga luha ng ina.
Hindi pwedeng magkamali si Lolo Pablo, bagaman at hindi pa niya nakikita ang mukha ng matandang babae, kilalang kilala niya ang boses nito, kaylan man ay hindi niya iyon malilimutan.
Parang naging mabagal ang takbo ng oras na 'yun para kay Lolo Pablo... nananaginip ba siya... totoong nasa harapan ba niya ang kanyang si... Zeny ?
"Z-zeny...." tawag niya sa pangalan ng kanyang pinakamamahal sa magkahalong emosyon, sobrang galak na halos magpahagulhol sa kanya kahit isa siyang lalaki.
"Ohhhh Zeny mahal ko... ikaw nga... p-panginoon marami pong salamat, ang akala ko ay hindi na kami magkikita pang muli !" tumutulo na ang luhang hagulhol ni Lolo Pablo habang gumagaralgal ang paos na tinig.
Waring naguguluhan naman ang Lola at pilit siyang inaalala.
"S-sino ka bang matanda ka... basta ka na lang dumating dito at tinatawag akong mahal, si Pablo lang ang nag iisa kong mahal...?" tanong nito ngunit titig na titig naman kay Lolo Pablo na waring kinikilala ito.