A story of a father and son that touches @ melts your stone heart....💙❤️ Nadatnan ko si tatang na payapang natutulog sa katreng higaan sa kwarto. Hapis ang mukha at napakapayat, dala marahil ng mabigat na pagtratrabaho sa dagat. Lumapit ako sa kanyang tabi at naupo sa kanyang gilid. Napaiyak muli ako ng makita nga ang kanyang mga kamay na nagsusugat at nangangapal sa kalyo, maitim at natutuyong balat dulot marahil ng matinding sikat ng araw sa gitna ng karagatan. Marahan kong hinawakan ang kanyang kamay at saka pinagmasdan, kusa na namang tumutulo ang luha ko kahit anong pigil ko. Dala ng labis na emosyon at awa ay nahalkan ko iyon habang nag uunahang pumapatak ang aking luha... lalaki ako pero kahit na sinong anak na lalaki man o babae ay iiyak pag nakita ang katibayan at ebidensya ng sobrang kasipagan ng ating mga magulang maitaguyod lang ang pamilya. Naramdaman ko na lang na gising na pala si tatang at nakangiti sa akin ng napakaganda, ngiting ngayon ko lang nasilayan sa kanya, ginugulo din nito ang aking buhok. Hindi ko na napaglabanan ang aking emosyon at natuluyan akong napayakap sa kanya habang sinasambit ang mga katagang... "Patawad tatang... s*ntukin mo ako kahit paulit ulit payag ako dahil masama akong anak..." Ngunit paulit ulit din itong umiling... "Hindi anak... hindi ka masama, kahit kunin ako ngayon din ng maykapal ibubulong ko sa kanya na patuloy kang pagpalain at bigyan ng kasaganaan dahil naging masunurin kang anak at hindi mo binigo ang iyong ama... "All Rights Reserved
1 part