Saktong alas dose ng hating gabi ng muling lumanding si Kadyong tiktik sa bubungan ng kubo nina Ligaya.
Muli ay mas pinalaki nito ang butas na nandoon na.
Wala syang sinayang na sandali at agad ibinaba ang sariling mala sinulid na dila, patungo sa kinaangan, sa pagitan ng mga hita ni Ligaya.
Humahagikhik pa ng pino ang babae dahil tila nakiliti.
"Aba'y pag sinuswerte nga naman, krema ang kulay ng suot na p*nty ng bruha..."
Namimilog tuloy ang mata ng aswang sa pagkakatitig sa borlis na babae,
"In fairness m*alindog parin kahit buntis !"
Doble swerte niya ngayong gabi, makakatikim sya ng dalawang putahe, makakatikim sya ng sanggol, makakatikim pa sya ng tilapya !
Kaya ano pang hinihintay ? wag nang patagalin pa, sisirin na !
Ngunit....
Nasa bukana palang sya ng kweba ni Ligaya ng muling bumaliktad ang kanyang sikmura dahil sinalubong siya ng nakasusulasok na hangin mula doon....
Amoy bulok na tahong na naburo ng ilang dekada !
"Pweeee.... b*stos , balahura !
Ang kulay krema palang panloob ni Ligaya, siguro ay dating kulay puti, na ngayon ay nagtutubal pala sa libag kaya nabago na ang kulay...
Kung pusali lang ang amoy sa pusod ni Ligaya, dine sa ibaba ay 'poso negro' na...! sinamahan pa ng tila amoy ng pinag linisan ng isda, malansa lansa !