A Letter for Him

A Letter for Him

  • WpView
    Reads 9
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 1
WpMetadataReadOngoing<5 mins
WpMetadataNoticeLast published Thu, Apr 25, 2024
WpInfo
Non-Fiction
Sa bawat minutong ipipikit ko mga mata ko. Alam kong makikita kita ruon. Nandun yung maamo mong mukha. Nandun yung bawat ngiti at tawa mo. Nandun yung ikaw na masayang nagkwekwento. Nandun din yung pinagsamahan natin. Nakikita ko lahat. Nandun lahat. At nandun din yung sinabi mong mahal na mahal mo ako. Nasasaktan ako. Nasasaktan ako ngayon pero pipiliin kong alalahanin lahat, pipiliin kong hayaan sarili ko na masaktan hanggang sa wala ng sakit na maramdaman. Ngayon lang 'to. Ngayon lang 'to masakit. Alam ko lahat, alam mo yan. Alam kong yung sakit mawawala. Yung sugat maghihilom. Sana hindi ko nalang alam lahat kasi alam ko din na kahit anong pagkalimot gawin ko sa atin, hindi mangyayari yun. Kinulayan mo yung buhay ko ng walong kulay. Sinindihan mo yung ilaw sa akin na matagal ng pundido. Pero nakalimutan mong pwedeng kumupas yung walong kulay, pwedeng mapundi ulit yung ilaw. Nakalimutan mong dapat nandun ka lang. Para i-maintain lahat. Salamat sa sandaling panahon, pinaramdam mong buhay ako. Hindi totoo na ang promise is meant to be broken. Dahil may mga pangako ako sayo na tutuparin ko. I'll make you proud, Love. It's THE END but every end has a new beginning.
All Rights Reserved
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • Tell Me You Love Me Too
  • Promises That We will Keep
  • My First Love
  • 𝐈 𝐀𝐦 𝐖𝐢𝐭𝐡 𝐘𝐨𝐮..𝐀𝐥𝐰𝐚𝐲𝐬 || ✔️
  • Adesewa the pregnant corper
  • I Will Always be his REPLACED BRIDE
  • Terrified Woman COMPLETE
  • PAUBAYA

Umpisa pa lang alam ko sa sarili ko na hindi mo naman susuklian ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa'yo. Una pa lang alam ko ng kapatid lang ang tingin mo sa akin habang sa kaniya tingin mo ay magiging asawa at maging nanay ng mga anak mo. Alam ko. Sa umpisa pa lang alam na alam ko. Pero kahit totoong alam ko sa sarili ko ang bagay na 'yan. Mas pinili kong magbulagbulagan kasi akala ko makikita mo din ako, hindi bilang kaibigan o kapatid kundi bilang isang babae. Akala ko sa paglipas ng panahon ay matututunan mo din akong mahalin at piliin kahit pa iniwan ka niya. Akala ko mapapalitan ko siya sa puso mo. Ngunit sa paglipas ng panahon. Mas lalong maging malinaw ang lahat. Naging sobrang linaw na hindi na kayang maging bulag bulagan. Hindi ko maiwasang mag tanong kung anong mali sa sarili ko. Ako naman yung nandito sa tabi mo pero bakit hindi ako? Bakit kahit wala na siya ay kalaban ko pa din siya diyan sa puso mo? Bakit kahit wala na siya ay kahati ko pa din siya sa diyan sa atensyon mo? Bakit... Bakit hinihintay mo pa din siyang bumalik sa'yo?

More details
WpActionLinkContent Guidelines