Huling taon na ni Penelope sa high school nang dumating sa buhay niya ang makulit at over-friendly na Amerikanong exchange student na si Ryan. Ayaw niya sa lalaki dahil bukod sa hindi maganadang impresyon nito noong unang beses silang nagkita ay total opposite din ito ng kaniyang personality. Subalit tila mapaglaro ang kapalaran dahil bago pa man niya maiwasan ay huli na nang kaniyang mapagtanto na nahulog na ang loob niya sa binata, isang bagay na himala kung kaniyang ituring. Sa kabila ng kaniyang damdamin para kay Ryan, hindi niya ipinaalam dito iyon hanggang sa bumalik na ito sa America. Makalipas ang walong taon, muling nagkrus ang landas nina Penelope at Ryan. Sa kabila ng mahabang panahon na lumipas at mga lalaking sumubok na bihagin ang puso niya, nalaman niya na si Ryan pa rin pala ang bukod tanging laman niyon. Sa pagbabalik ni Ryan, nagkaroon ng pag-asa si Penelope na madudugtungan ang naudlot niyang love story. Bagaman walang iniwang pangako ang binata ay lihim niyang pinanghawakan ang iniwan nitong halik isang gabi bago ito bumalik ng America. Subalit sa isang iglap, nawasak ang pangarap niya para sa kanilang dalawa nang ipakilala na sa kaniya ni Ryan si Valerie-ang fiancee nito na malaki ang resemblance sa kaniya pagdating sa hitsura, higit sa lahat sa personality niya. Ginawa ni Penelope ang lahat para iwasan si Ryan at alisin na ang damdamin niya para rito. Subalit sa hindi malamang dahilan ay hindi niya maunawaan ang mga kilos at emosyong ipinapakita nito sa kaniya. Maalaga ito at parang boyfriend kung umasta sa kaniya. Posible kaya na mahal din siya nito? O baka katulad lamang ito ng mga lalaking ibig paglaruan ang puso niya?