Bitter. Iyon ang isang salitang naglalarawan kay Tricia. And her heartbreak story was a cliché. She was cheated by the only man she loved. At kagaya ng mga babaeng bitter sa pag-ibig, tinalikuran na rin niya ang pagmamahal. Ayaw na niyang ma-in love dahil ayaw na rin niyang masaktan. Then came a devilishly handsome new neighbor in town. Mula nang dumating si Kean ay ito na ang bukambibig ng mga babae sa subdibisyon nila. Pero hate at first sight ang naramdaman niya para dito. Mababaw man ay hindi niya nagustuhan nang ngitian siya nito na parang close sila. Pero tila binibiro siya ng tadhana dahil si Kean ang nagtanggol sa kanya mula sa ex-boyfriend niyang depressed. Nagpanggap pa ito na boyfriend niya para tulungan siya sa kanyang problema. Hanggang magising siya isang umaga na nabura na ang inis niya para dito. Si kean na ngayon ang pinakamalapit na lalaki sa buhay niya. Eh, sa puso niya, ito na rin ba ang umookupa?