Lumaking mahirap si Chelsea kayat, kahit anong trabaho ay kaya niyang gawin para lamang sa mga kapatid niyang siya lamang ang inaasahan. Gwapo, Edukado, mayaman at lahat ng luho ay kayang makuha ni Marco. Kayat kahit sino ay kaya niyang paikutin sa mga kamay niya. Dalawang tao na magkaiba ang estado ng buhay ay pagtatagpuin sa hindi inaasahang hiling ng isang matandang magbibigay ng kaginhawaan sa buhay ni Chelsea. Magiging maganda ba ang tuno ng melodiya? kung ang bawat nota nito ay may pait sa nakaraan na hinding hindi makakalimutan.