Si ysabelle reyes o ysa ay kilala sa pagiging basagulero nito sa kanilang bayan. Kahit malalaking tao man ang kaniyang kaharap basta pisikalan at patas ang laban ay hindi niya ito uurungan. Maraming tao ang takot sakanya dahil kahit babae ito kaya niyang makipagbasag ulo para sa karapatan ng kanilang kababayan. Siya ang takbuhan ng mga taong humihingi ng tulong dahil sa patuloy na pangangambala ng mga taong gusto sila paalisin. Kumbaga siya ang nagiging pinuno at ang kababayan niya ang tagasunod dahil kung wala siya ay magulo ang daloy at baka matalo sila sa pinaglalaban nilang "karapatan." 'Paano kung isang araw ay may mahalin siyang lalaki, At paano kung ang magulang ng lalaki ang dahilan kaya sila mawawalan ng tirahan', 'Paano kung patuloy silang paghihiwalayin ng magulang nito dahil sa estado ng kanilang pamumuhay? 'Ilalaban kaya niya gaya ng paglaban niya sa karapatan nila? O susuko na lamang dahil tanggap na niyang hanggang dito nalang ang kaniyang buhay?'.All Rights Reserved