"Love is a ruthless game, unless you play it good and right." Ika nga ni Taylor Swift sa kanta niyang State of Grace. Iba't-ibang pananaw kung paano gagawing matagumpay at matibay ang isang relasyon. Masaya, misteryoso, mapanganib, malungkot, malaya at mapagbigay. Ngunit paano kung masyadong naging malupit ang idinulot ng nakaraan? May pag-asa pa bang muling mabuhay ang pusong matagal nang nahihimlay? Luigi Miguel San Diego, a 20 year-old guy na breadwinner ng kanilang pamilya, walang inisip kung hindi ang kapakanan ng kapatid ang nanay niya. Sa mura niyang edad, halos lahat na yata danas na niya. Naging kapatid na niya yata ang sakripisyo at pagsusumikap para maabot ang pangarap para sa sarili niya at para sa kapatid niya. Kung tatanungin mo sa larangan ng pag-ibig? Laging nauuwi sa wala, kaya minabuti na rin niya na ituon na lamang ang oras sa ibang bagay. Mas tinutuon niya ang oras niya sa mga kaibigan at mga bagay na ikakasiya ng puso niya. Ngunit paano kung dumating sa puntong susubukan niya ulit ang magmahal? Ikaw ba naman laging niloloko at iniiwan ng mga taong akala mo sila na yung tinatawag mong "the 1" sa tingin mo ba susubok ka ulit? Sa pagkakataong ito handa na kaya siya na muling umibig? Muli pa kayang titibok ang puso sa isang taong makikilala niya sa hindi inaasahang pangyayari? O siya rin ay magdudulot ng sakit na hindi mapapantayan ng kahit na sino? Ano kaya magiging resulta nito? Magiging maganda kaya? Magkakaroon kaya ng tinatawag nila na "Happy Ever After"? o baka naman ay bangungot ng nakaraan ang idulot nito sakanya? Tunghayan ang nakakatuwa, nakakakilig, nakakaiyak, nakakainis at kapupulutan ng aral na istorya ng buhay ng ating bida at kung sinu-sino ang darating sa buhay niya na magtuturo, magbabago at magpaparamdam sakanya ng iba't-ibang pakiramdam at paano siya matututo sa mga ito.
5 parts