Sa kabila ng paglalakbay ni Lylo sa buhay Accountancy sa kolehiyo, ngayon lang siya nagkaroon ng mababang grado. Talagang nakakapanlumo, kaya kailangan niya nang lumipat ng ibang eskwelahan upang ipagpatuloy ang pangarap niya dahil pursigido siyang maging CPA. Nang lumipat siya sa panibagong unibersidad, isa lang ang kanyang hinangad. Hangad niyang mapalapit sa isa sa miyembro ng choir na si Justus na taga-Chemistry. Nabighani siya sa tinig nito. Paano ba naman, isa siya sa pinakamagaling umawit sa buong grupo. Nang mabigyan ng pagkakataon na mapalapit sa kanya, biglang namang pumasok sa buhay niya si Ardbin. Magaling sa programming, at ang pinuno ng Dance Group. Sa halip na sa choir mapabilang, nailista ang pangalan niya sa Dance Group at wala nang bawian dahil ang nasabing pagpaparehistro ay nagwakas na. Sa kabila ng isang pagkakamali, isa lang ang matututunan ni Lylo at ito ay maaring makatulong upang magawa niyang madiskubre kung ano ba ang tunay na kulay ng pag-ibig.
1 part