"Binisita si Takihiro Watanabe ng best friend niyang si Sheila Mae Reyes tatlong buwan mula nang bigla na lang itong mawala sa ere matapos manganak. Karga ang sanggol na isinilang nito, nakiusap si Sheila Mae na makikitulog muna sila ng anak sa dorm ni Takihiro. Puno man ng mga tanong, galit at pagkainis sa pagkawala ni Sheila Mae, idagdag pa ang thesis na minamadali na niyang matapos para makagraduate na, tinanggap ni Takihiro ang dalawa. Iyon nga lang, nang magising siya kinaumagahan, nawala nanaman si Sheila Mae. At katabi niya ang humahagikgik na si baby Kit.
***
Nabuntis si Sheila Mae matapos hindi magawa ng boy friend nito ang ipinangakong widrawal. Nang malaman ni Franz na nabuntis niya si Sheila Mae, nagresign ito bilang instructor at hindi na niya nakita pa. Sa tulong ng best friend niyang si Takihiro, sinikap ni Sheila Mae na matapos ang semester kahit may dinadala pati na rin ang paglilihim sa pamilya niya. Matapos maisilang si baby Kit, kinailangan niyang maglaho sa paningin ng lahat ng nakakakilala sa kaniya. Nang magbalik siya, pinili niya ang desisyong noon pa man, ayaw na niyang gawin: iiwan si baby Kit kay Takihiro at muling maglaho. This time, hindi na niya alam kung babalik pa siya, o kung makakabalik pa ba siya.
***
Bagong hire si Kit Watanabe sa department ng university bilang instructor ng Creative Writing—kung saan dati ring nagtatrabaho ang biological father niya. Twenty-two years ago, iniwan siya ng Mommy niya sa poder ng bestfriend nito, ang adopted father niya. Naging misteryo kay Kit ang pagkatao niya mula sa pagpapalaki ng isa sa mga tinitingalang forester-scientist ng bansa. Puno man ng mga kwento tungkol sa Mommy niya ang itinuring na ama, duda pa rin si Kit kung iyon na ba ang kabuuan ng kwento o kung may katotohanan ba ang lahat ng kuwento ng Daddy Taki niya. Sa tulong ng girl friend na si Eliza, susubukan ni Kit na muling buksan ang kuwento ng Mommy niya at ng kaniyang adopted father—ang kuwentong nagsimula sa tissue.
Adopted at birth, Katherine's only birthday wish is to know more about her biological mother. But as she starts her quest, Kath finds herself in the middle of a search and a blossoming romance that turns her world upside down.
***
Geared for an adventure, Katherine Jesse Smith flies all the way to the Philippines to look for her biological mother. With only a name and a letter in her hands, she braves into an unfamiliar place to start her search. But when several mishaps welcome her on her arrival, Kath starts to doubt her plans. Just when she's about to fall into another trap, public school teacher Crisostomo Ibarra-Flores suddenly comes to her aid. As they continue Kath's little adventure, they discover that things are far more complicated than they originally thought. With the distance that seems to be separating them, can Kath manage to hold on to the blossoming romance that she has with Cris? Or will their relationship be a fleeting moment and nothing more?
Disclaimer: This story is written in Taglish, a combination of Tagalog & English.
Cover by Louise de Ramos
***
* Self-published - 2022
* Editor's Pick - July 2023
* @WattpadRomancePH RL: Kilig All Year 'Round
* Wattpad Wrapped 2023 🎁