Between Revenge and Love
Pagod na pagod na si Jennie sa buhay.
Sa murang edad, naranasan niyang mawalan ng pamilya, tirahan, at halos pati dignidad niya bilang tao. Kasama ang kapatid niyang si Ella at girlfriend niyang si Sana, pilit siyang bumabangon araw-araw kahit ilang beses na siyang durugin ng mundo.
Hanggang isang araw, may tumawag.
Isang malaking kumpanya ang naghahanap ng bagong secretary-at siya raw ang napili.
Hindi makapaniwala si Jennie kung bakit biglang ngumiti ang tadhana sa kanya. Dahil sa trabaho, unti-unting nagkaroon ng pag-asa ang buhay nilang tatlo. Nagkaroon sila ng pagkain, maayos na tirahan, at pagkakataong mangarap ulit.
Pero hindi alam ni Jennie...
May taong matagal nang nakatingin sa kanya mula sa malayo.
Taong minsan niyang minahal.
Taong minsan niyang sinaktan.
At taong hindi pa rin nakakalimot.
Si Lisa.
Ang CEO ng kumpanyang pinapasukan niya.
Ang ex niyang iniwan niya noon nang walang paliwanag.
Ang babaeng gumawa ng lahat para maiangat siya-
para lang sirain siya sa huli.
Habang unti-unting nabubuo muli ang koneksyon nila, mabubunyag ang mga sugat ng nakaraan, mga kasinungalingang itinago para sa pagmamahal, at ang manipis na linya sa pagitan ng revenge at second chance.
Paano kung ang taong dahilan ng pagbangon mo...
siya rin palang dahilan ng pinakamalaking pagbagsak mo?
At paano kung sa gitna ng galit-
mahal ka pa rin niya?