Hara Martha, ang isang kakaibang Reyna na kinalimutan ng panahon. Minsan mang kinainggitan dahil sa taglay na katalinuhan, kagandahan at kakayahan nagawa paring makalimutan. Ano nga ba ang nangyari sa maalamat na Reyna? Bakit kahit siya ang bunsong anak ay siya ang piniling humalili sa trono ng Amang Hari? Dahil ba sa markang nasa kanang balikat niya? Ano nga ba ang markang nasa kanyang balikat? Dahil ba sa nakita ng babaylan sa propesiya? Bakit nga ba siya nakalimutan? Siya ba ay may nagawang hindi kaaya-aya sa kanyang nasasakupan? Tunghayan kung bakit nakalimutan ng mga taong-langgam na nakatira sa Imperyo ng Alamat ang kanilang Kakaibang Hara.