Sa Panaginip lang ni Kira nakikita ang lahat noon, ngayon kahit saang lupalop sila naroroon nandoon din ang gulo, ang ingay at mga labanan. Nagsimula ang lahat matagal ng panahon sa isang batang ipinanganak na may kakaibang abilidad. Ang kakaibang abilidad na iyon ay lumaganap sa buong mundo. Walang nakakaalam kung paano ito nangyari at bakit dahil doon ang mga kakaibang pangyayari ay naging kapangyarihan ay nagsasanhi rin ito ng pagtaas ng mga krimen at kaguluhan bunga ng mga kagagawan ng mga 'Black Kishi', mga taong may tinataglay na Symrna ngunit ginagamit sa masama ang kanilang natatanging abilidad. Makikita ito sa kahit saang lugar, mapalabas man o loob ito ng Langeres kingdom. Hindi na marahil mawawala sa mga taong may taglay na kapangyarihan ang maging sakim at gahaman. Iyon ang paniniwala ni Euri, ang nakakatandang kapatid ni Kira. Marami kasi sa halos 80% na may taglay na abilidad sa Langeres Kingdom ay ginagamit sa maling paraan at paggawa ng mga illegal na gawain ang kanilang mga kapangyarihan. Sa mga krimen at sa pansarili nilang kagustuhan. Kung kaya naman dahil doon marami sa mga taong may katangiang taglay ay nagkaroon ng lugar sa mundong magulo. "Kishi" kung ituring nila ang kanilang sarili. Pangarap ni Kira ang mapabilang dito ngunit sa hindi niya maintindihang dahilan ni Euri, nakakatanda niyang kapatid, tila hirap na hirap siyang makamit ito. Bukod kasi sa Anti-Kishi ang kaniyang kapatid, wala ring abilidad si Euri at isa lamang siyang typical na mamamayan ng Langeres Kingdom. Maabot kaya ni Kira ang pangarap niya, o patuloy siyang nananatili sa kapit ng pinakamamahal na kapatid? ©️All Rights Reserved. 2024 @theyssah_All Rights Reserved
1 part