Sawang-sawa na si Gabby sa mga blind dates subalit hindi naman siya makahindi sa nanay niya na isang frustrated matchmaker at pusher. Ganoon na lamang kasi ang pagtutulak nito sa kanya na magkaroon siya ng boyfriend. Pero para naman nananadya ang pagkakataon dahil palagi na lamang nauuwi sa disaster ang mga date niya. At sa mga pagkakataon na iyon ay pinagtatagpo naman ang mga landas nila ni Jace. She always encounter him by chance and runs into him accidentally. At sa tuwing magkakasalubong silang dalawa ay maraming kakaibang pangyayari ang nagaganap na hindi niya mabigyan ng paliwanag. Pakiramdam niya ay pinaglalaruan sila ng pagkakataon. Tuloy, parang gusto nang maniwala ni Gabby sa sinasabi ng kanyang mga kaibigan na 'destiny'. "If we meet again don't think of it as destiny. Don't excite yourself!" Kontra agad ni Jace at very vocal ito sa pagsasabi na hindi nito type ang mga babaeng may 'double-side fried egg' na dibdib na tulad niya. Pero bakit taliwas sa sinasabi nito ang ikinikilos ng binata? Kung kailan umiiwas na si Gabby ay ito naman ang sunud ng sunod sa kanya. Hindi lang iyon, pati mga blind dates niya ay ginugulo at pinakikialaman nito. "I'm chasing destiny... I'm chasing you!" maramdaming wika ni Jace nang minsan komprontahin niya ito. Hindi niya gustong maniwala. Why? Sa sampung sinabi nito ay labing-isa ang puro kalokohan. Malay ba niya na pinagtitripan lang siya nito.All Rights Reserved