Jasmine Sandoval, a girl who loves Music. Sumali siya sa isang sikat na banda sa pinapasukan niyang University sa kagustuhan niyang tumugtog ng gitara. Nakilala niya ang bokalistang si Emmjel Montevista, isang lalaking moody at may pagkaseryoso minsan. Nasa iisang banda lang sila ngunit wala pa silang alam masyado sa isa't isa kaya naman nang magkaroon sila ng pagkakataon na kilalanin ang bawat isa, ang dating Emmjel na may pagkamoody ay naging masayahin. Naging maalalahanin ito pagdating sa kanya kaya hindi niya maitatanggi sa kanyang sarili na nahuhulog na siya dito. Unti-unti na pala niyang minamahal si Emmjel ngunit nalaman niya na lahat pala ng pagbabagong ipinapakita nito sa kanya ay kalokohan lamang. Years passed, muli silang nagkita. Magkaroon nga ba muli sila ng pagkakataon hindi para kilalanin ang bawat isa kundi pakinggan at sundin ang tunay nilang nararamdaman?