BLURB: Alejandro Clark Salvatore was the first born son of the Salvatore clan, the clan that holds high power in mafia world. His father expected more of him. Sa murang edad ay totoong baril na ang hawak niya, instead sa laruan. Hindi niya naranasan ang tinatawag na normal na buhay ng isang bata. Kung ang ibang bata ay masayang naglalaro at pumapasok sa paaralan kasama ang mga kaibigan; si Alejandro ang kasama ay ang mga tauhan ng kan'yang ama. Maaga siya nitong ipinakilala sa mundo ng karahasan. Pinag-aral siya nito sa kalsada, at ang kan'yang naging guro ay ang mga tao at negosyong hawak nila. Pinilit ni Alejandro na maging ulirang anak, sinunod niya ang yapak na gusto ng kan'yang amang tahakin niya. Nang dumating sa buhay nila ang kan'yang mga kapatid, ipinangako niya sa sarili na hindi siya papayag na danasin ng mga ito ang mga paghihirap na dinanas niya. Sinikap niyang pantayan ang expectation ng kan'yang ama sa kanya upang huwag nitong ipadanas sa kan'yang mga kapatid ang naranasan niya. Hanggang sa tuluyan na siyang kainin ng kadiliman at karahasan. The day that his father gave him the throne to lead their clan, the most ruthless, cunning, and unmerciful mafia don was born. Sa madilim na mundong kan'yang ginagalawan, dalawang babae ang dadaan sa buhay niya. Sila na kaya ang mga babaeng mag-dadala sa kan'ya sa maliwanag na landas? O mas lalo lang siyang ilulubog nang mga ito sa apoy ng impyerno. Sa laro ng mapaglarong tadhana, at magulong mundong kinabibilangan ni Alejandro, may pag-asa pa kayang makamit niya ang tunay na kaligayahan na hatid ng tunay at wagas na pag-ibig?