SEPH GALI CUERVA a saught after celebrity bachelor. Who wouldn't be? Matangkad, gwapo, mestizo, and not to mention a millionaire. He is a singer, dancer, actor, and model, and can play some instruments. Above all that positivity, of course may downfall din at yun ang pagiging PLAYBOY niya. Although he keeps it lowkey dahil sa career niya. Pero kahit na ganoon ay marami paring nagkakandarapang babae sa kanya, but of course, there is always an exemption.
SWEET SUNSHINE QUEZON, opposed to her name siya ay tinaguriang babaeng ampalaya. Bitter na bitter siya pagdating sa love. Not to mention, she is a product of a loving family and NBSB din siya. So why the heck is she so bitter? Nasa mindset na niya na "Lahat ng lalaki ay paasa." O di kaya ay, "Wala nang matinong lalaki sa mundo, pwera lang kay papa at sa mga kapatid ko."
But one day, their paths crossed. Ang kanilang maliit na kasunduan ay nauwi sa KASALAN?!
Muling tangkilikin ang pinakabagong bersyon ng Ang Mutya ng Section E! Ipapalabas na ito bilang series sa Jan 3, 2025 exclusively sa Viva One app.
Season One of Ang Mutya Ng Section E
***
Simple lang ang gusto ni Jay-jay sa buhay: ang malayo na sa gulo at magkaroon ng normal na high school life. Pero kung gulo na mismo ang lumalapit sa kaniya, mapaninindigan pa rin ba ni Jay-jay ang pangako niya?
Nang lumipat si Jasper Jean Mariano sa HVIS, nangako siyang lalayo na siya sa gulo at gagawin niya ang lahat para maging normal ang high school life niya. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, napunta siya sa Section E kung saan siya ang nag-iisang babae sa klase. Simula pa lang ng taon, puro kahihiyan at sakit na ng ulo ang inabot niya. Ngayong napaliligiran siya ng mga kaklaseng habulin ng gulo, naiipit si Jay-jay sa sitwasyon. Kakayanin pa rin ba niyang maging normal at makalayo sa pakikipagbasag-ulo kung unti-unti nang nauubos ang pasensya niya? O pipiliin ba niyang sumama na rin sa gulo kung kapalit naman nito ang kaligtasan ng mga kaibigan niya?