"Ganun din, kung hindi mo papasanin ang krus mo at di ka susunod sa akin, hindi ka deserving na maging disciple ko." (Mateo 10:38, New Testament Pinoy Version)
July 2, 2023, nitong nakaraang Linggo lang, may kung anong tumulak sa akin para magsimba at mag-serve sa kinabibilangan kong parokya. Maaga ako nagisíng at, sa loob ng ilang linggo, ngayon ko lang ulit naramdaman ang sigla ng aking katawan para pumunta sa simbahan.
Roman Catholic ako simula pa noong batà ako pero naimbitahan din ako sa iba't ibang sekta gaya ng Born Again at God The Mother Church. Sa lahat ng napuntahan ko, may pinakatanong ako sa isipin ko - "Gaano katotoo ang Diyos para sa tulad ko?" Hindi ito tanong nang pagdududa sa kakayahan ng Diyos sa búhay ko kundi tanong ng isang saradong puso sa paliwanag ng Panginoon. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin lubos maintindihan kung paano kumikilos ang Diyos sa búhay ko pero, nitong karaang Linggo, may ibinulong Siya sa akin:
"Bitbitin mo ang iyong krus at sumunod ka sa Akin."
"Hindi naman mahalaga kung mahina o malakas ka, ang importante ay ang kaya mong harapin ang iyong mga kahinaan, ang kaya mo itong baguhin upang sa mas lalo pang ika-uunlad ng iyong pagkatao."
Halina't iyong tuklasin sa librong ito kung paano maisapamuhay ang mga aral na itinuturo sa atin ng Diyos, na siyang dahilan kung bakit hanggang ngayon nananatili kang buhay at malakas at binigyan pa ng pagkakataon upang maranasan ang magandang Plano para sa iyong buhay at maayos na kinabukasan.
Dalangin ko na sa tulong ng devotional na ito ay mas lalo mong makilala ang Diyos at mas lumalim sa kanyang presensya at patuloy na lumago sa buhay kristiano.
Sa Diyos ang mataas na Papuri, Karangalan at Pasasalamat sa pangalan ni Jesus...