PROLOGUE Narinig ko ang isang pamilyar na boses...si Peter! Dali dali akong sumilip Mula sa bintana ng kuwarto ko. Ayun siya nakatayo sa harapan ng Bahay ni kuya Zacharry. "Zach! Andun na si Arth sa pilahan ng trisikel inuugatan na daw siya sa tagal natin!" Nagulat pa ako ng lumingon siya sa gawi ko. Patay nakita niya ako. Kumaway siya sa akin. Agad akong nagtago sa likod ng kurtina ng bintana ko. Narinig ko siyang tumawa. Naku Odessa nakakahiya. Pagsilip ko uli....Wala na siya... baka pumunta na sila sa pilahan ng trisikel. Crush ko si Peter...Basta gustong gusto ko siya. Kaso alanganin lang ako sa kanya. Hindi kasi ako kagandahan... masasaktan lang ako kung aasa ako na mapansin man lang niya.