College ako non noong makilala ko si Keith, isang Batchelor of Science in Business Management student. Boyfriend sya ng pinsan kong Fren, anak ng kapatid ng daddy ko. 3rd year sila non habang ako naman ay 1st year. Close kami ni tita Daisy kaya naman ng malaman niyang mag aaral na ako ng college ay pinakiusapan nya ang daddy ko na sa kanila nalang ako tumira upang may tumingin tingin sakin. Kabaliktaran kay ate Fren dahil hindi talaga kami close, kahit noon pa man sa probensya ay hindi kami nag iimikan buti nalang nagkaroon na ng anak na lalaki si tita Daisy at Tito Fred kaya may makakausap na ako, naging kasundo ko rin si Darren. Maayus ang naging buhay ko sa puder nila, ganon din sa unibersidad. Kumuha ako ng kursong Batchelor of Science in Medical Technology dahil gusto ng daddy ko na mag Doctor ako tulad nya. Sa totoo lang, pangarap ko talaga maging sikat na Model, tumira sa tabi ng dagat, magkaroon ng masaya at kuntentong pamilya katulad ng mommy at daddy ko, salungat sa gusto nila para sa akin. Hanggang isang araw, nasira lahat ng mga pangarap ko. Hindi ko inaasahan na mismong birthday ko mangyayari ang pinaka madilim na yugto ng buhay ko, mga bagay na nagdala sakin sa impyerno. Nagising akong walang saplot at masakit ang buong katawan, hindi ako tanga para hindi malaman kong ano ang nangyari, ngunit alam ko sa sarili kong hindi ko ginusto ito. Dahil sa isang pagkakamali, ang dating Ms. Deborah Ruiz ay naging Mrs. Deborah Sanchez. Author: First novel ko po ito, sana magustohan nyo. Enjoy reading guys, don't forget to comment if ever na may mabasa kayong wrong spelling, grammar, etc. Para po mabago ko because sa phone lang po ako nagta-type so hindi maiiwasan ang typo. Bye bye senoritaaaa, lab yahhh🥰 Started: July 04, 2023 Ended: