Bago ang lahat, hindi po horror ang kwentong ito... salamuch! Si Kiel Elco Cielo Montero ay ang lihim na anak ng pinakasikat na artista sa kasalukuyan at ng anak ng pinakakilalang kompanya sa buong mundo, ang Montero Financial Corporation. Labintatlong taong gulang ang kaniyang mga magulang nang siya ay dumating sa mundo. Upang itago ang kahihiyan ng mga magulang niya, siya ay pinalaki bilang anak ng lolo niya sa kaniyang ama. Mula nang maisilang siya ay mayroon siyang kakaibang sakit na hindi matukoy ng mga doktor. Nagsusuka siya ng dugo minsan sa tatlong oras. Wala pang matukoy na lunas dito kaya't nanatili siya sa ospital hanggang nakagawa ang pinakamagagaling na doktor ng pansamantalang lunas sa kaniya. Kailangan niya itong inumin kada tatlong oras upang hindi siya magsuka ng dugo. Pagkatapos ng unang araw niya sa eskwelahan ay may nakabanggaan siyang magandang babae na kaedad niya. Biglang bumulong ng mga hindi maintindihang mga salita ang babae at nabalot si Kiel ng liwanag. Paggising niya ay nasa ospital siya. Nang tumingin siya sa isa pang kama sa kaniyang silid sa tapat niya ay nakita niya ang isang kaedad niya na kamukhang-kamukha niya na nakatulog. Ang pinagkaiba lang niya ay mas malaki ang dibdib niya na nagbigay ng pahiwatig kay Kiel na siya ay isang babae. Sino kaya ang babaeng ito? Sino ang magandang babae na nakabanggaan niya? Ano ang ibig sabihin ng mga salitang ibinulong ng magandang babae? Anong hiwaga ang nakapalibot sa mga kaganapang ito?....abangan...
25 parts