Lumaking walang magulang si Trishna, kaya ang tiyahin na lamang nito ang bumubuhay sakanya. Ngunit hindi rin naging maganda ang karanasan nito sa kamay ng kanyang tiyahin at sa malupit nitong asawa na hindi rin trinatrato ng maayos. Kaya ng tumigil siya sa pag-aaral ng second year college ay naghanap na ito ng mapapasukang trabaho upang maka-alis na sa puder ng kanyang tiyahin. Sa inosente niyang mundo, ay doon makikilala ang lalaking magpapabago sa pag-ikot non. Ang taong magpapamulat sakanya sa mga bagay na hindi pa nakikita at magpaparanas ng mga hindi pa nararanasan. Ang taong siyang magpapa-uhaw sakanya hanggang siya ay malunod.