Ang pag ibig ay hindi raw nasusukat sa kahit anong bagay? Dahil ang pag ibig ay mahiwaga. Na kapag ang puso mo ang nagdesisyon ay mahirap itong pigilan. Dahil kapag umibig ka raw ay para ka na rin sumusugal. Kahit huling alas mo nalang ang natitira, na kahit walang kasiguraduhan, ay itataya mo ito para manalo. Naranasan mo na bang magmahal na walang kasiguraduhan? kung kayo ba ang matatapos sa dulo? Yung tipong kahit mahal niyo ang isa't isa, ay hindi pa rin kayo sigurado kung sa isa't isa rin ba ang katapusan niyo, pag ibig na kahit alam niyong mali ay itutuloy niyo. Pag ibig na bawal. Pag ibig na mapusok. Pag ibig na walang pinipiling tao at oras. Hindi mo namamalayan na nasakop ka na pala nito. Kung totoong pag ibig ba ang mararamdaman mo ay handa mong gawin ang lahat? kahit na walang kasiguraduhan ang pinanghahawakan mo ay itutuloy mo pa rin ba para sa pag ibig? Date publish: july 28, 2023 Finished: September 29, 2023