"Pasensya kana anak ha, kung kinakailangan mong magpunta sa maynila, para din naman iyon sayo, hindi ba't nais mong makapagtapos at maging isang doktor. Pagkakataon mo na iyon, magsisilbi ka lang naman sa bahay nila at ika'y pag aaralin na nila", mahabang saad ni Mama habang inaayos ang gamit ko, paulit ulit nanga syang humihingi ng paumanhin sa akin dahil hindi nya daw ako kayang pag aralin.
Nais nyang sya nalang ang magtrabaho pero hindi naman nya maiwan si Lola, gawa ng may sakit na ito at walang mag aalaga nataong si Mama lang ang nasa malapit na anak kaya sya nalang ang mag aalaga, ayaw naman ni Lola na ako ang mag alaga sa kanya dahil galit sya sa akin.
Galit sya dahil sa pang iiwan sa amin ng tatay ko, at anout sa kanya wag na lang natin pag usapan, dahil para sa akin matagal na syang patay simula noong iniwan nya si mama na nagbubuntis sa akin.
Bukas ng madaling araw ang alis ko, malayo din kasi ang Mindoro sa Maynila kaya dapat maaga daw akong umalis at saka ilang linggo lang din ay mag papaenroll na din ako para sa unang sem