Started: January 28, 2025 Ended: January 29, 2025 Kapag ba nagbago ng landas magbabago rin ba ang lahat? Iyan ang nasa isip ni Eclipse Soliel Rivera habang binabagtas nila ng kanyang tiyahin ang daan papunta sa lugar na kinalakihan ng kanyang mga magulang. Pikit mata, at sa pag dilat ay nasaksihan ang pag lubog ng araw at pag halik nito sa payapang karagatan na nagdadala ng preskong hangin. Nagpapahiwatag na malayo na ito sa syudad na kinagisnan niya. Malayo sa matatayog na gusali at mausok na paligid. "Did you happen to know? I love the sunset as much as I love you."
More details