GENRE: Random, R-🔞 ⚠️🔞WARNING🔞⚠️ PROLOGUE "HOW MANY TIMES I'VE TOLD YOU THAT YOU ARE NOT ALLOWED TO GO OUT BEA?!" Sigaw sa akin ng asawa kong si Carson. "ANG LANDI MO TALAGANG HINAYUPAK KA. AKALA MO HINDI KO MALALAMAN NA NAKIPAGKITA KA NANAMAN SA LALAKI MO?! TANGINA MO!" Sinabunutan niya ang buhok ko habang iniwawasiwas ito, pakiramdam ko pati anit ko ay matatanggal na. "Car-..son. nagkakamali ka... Lumabas lang ako saglit n-nakasalubong ko lang s-siya.." pagpapaliwanag ko sa kanya. "TANGINA! NAGDADAHILAN KA PA?!" Sinampal ako nito. Halos buong mukha ko ay natabingi at pakiramdam ko namamanhid na. Parang mabibingi pa ako sa lakas ng pagkakasampal niya. "SA ORAS NA MAKITA KITA ULIT KASAMA ANG LALAKI MO! MAPAPATAY NA KITA HALIPAROT KA!" Sabay sakal nito sa akin. "Dada!!! Huwag Po! tama na po." Mula sa kabilang pinto ng kwarto lumabas ang aming anak na 6 na taong gulang na si Bruce. Pumunta ito sa akin habang pinigilan ang kanyang ama sa kakasakal sa akin. "HOY BUBWIT TUMABI KA! BIBIGYAN KO LANG NG LEKSYON ANG NANAY MONG MALANDI!" Sigaw nito sa anak ko at hagis nito sa sahig. Bumaling naman sa akin ang asawa kong nanlilisik na ang mga mata. "Tandaan mo to Bea! Huwag na huwag mo akong sagarin tangina mo!" Hindi ko namalayan na lumipad na pala ang kanyang kamao sa mukha ko. At wala na akong makita kundi kadiliman at hagulgol na lang ng aking anak ang naririnig ko. Akala ko magiging masaya kaming pamilya. Pero hanggang pangarap na lang pala iyon. Ang pinakamamahal kong asawa ay biglang nagbago sa isang iglap. Ang sweet at maasikaso kong asawa ay naging demonyo. Pero ipaglalaban ko pa rin ang pamilya ko ayokong masira ang pamilya namin. Gagawin ko ang lahat para sa anak ko. Kahit mapatay pa niya ako. Ako na siguro ang pinakatangang babae sa balat ng lupa pero hindi ko susukuan si Carson. Alam kong mahal niya ako. Mahal pa rin niya ako. ------