Si Pearl Alona Escartin ay isang responsableng Ate sa kanyang dalawang kapatid. Handa siyang gawin ang lahat upang maibigay lang pangangailangan ng mga ito at para may makain sila sa araw-araw. Ngunit nasukat ang kanyang pagiging kapatid nang di inaasahan ay muntikan nang malayo ang kanyang dalawang kapatid sa kanya. Ngunit nakabawi ito dahil siya rin ang maglalayo sa mga ito sa isang madilim na panaginip. Sa murag edad ni Alona ay maranasan niya na ang mahirap na buhay. Naging mangingisda siya upang matustusan ang kanilang pangangailangan sa araw-araw. Kahit gaano pa kahirap ang trabaho ay kinakaya niya para sa kanyang dalawang menor de edad na kapatid. Isang dalagang nagpapangiti sa mga alon sa dagat. At ang isang dalagang makikilala at matatagpuan ang isang mabangis na alon na siyang aanod sa kanya sa lilim ng pag-ibig. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhan dahil siya rin mismo ang lalayo sa dalampasigan para sa ikabubuti ng kanyang minamahal.