Isang kasaysayan ng mga lipi na nagkagulo dahil sa gintong ipinamana ng may-ari nito. Pagpapana ang naging prayoridad ng mga tao sa Tehar sa kadahilanang hindi nila dapat pabayaan ang kanilang pinakamamahal na bayan. Isang babaeng Tehero ang nakatagdang magmana ng ginto at maging pinuno sa kanilang angkan. Ngunit, sa kasamaang palad, ay hindi ito ginusto ng babae, mas ginusto niya ang maging ordinaryong Tehero. Ayaw niya sa gulo at mas focus siya sa kaniyang pag-aaral. Isang matalinong bata si Nika, hindi niya kailanman pinabayaan ang kaniyang pag-aaral at wala sa kaniyang isip ang pagpapana. Ngunit, nagbago ang lahat nang bumalik siya sa nakaraan...