32 parts Complete MatureSummary
Si Lara ay isang dalaga na nagmula sa Bataan, sa bansang Pilipinas, taong 2018. Sa hindi inaasahang pangyayari ay nakapag-time-travel siya patungo sa nakaraan sa Pilipinas, taong 1889. Nagawa niya ang paglalakbay sa ibang panahon nang dahil sa Project 1889. Isa itong proyektong kasalukuyang pinag-aaralan ng kaniyang kapatid na si Leandro na bihasa sa mga computer programs. Kasama rin sa pagtulong ang kaniyang nakababatang kapatid na si Lucas na siya namang gumuguhit ng kaniyang mga kailangan sa panahong iyon sa pamamagitan ng XP-Pen Artist 12 Pro na isang drawing tablet.
Sa kaniyang paglalakbay ay nakilala niya ang isang binatang nagngangalang, Sebastian Alonzo. Si Sebastian ay isa sa mga aristokrato ng kanilang bayan. Sa una nilang pagkikita ay hindi kaagad sila nagkasundo. Naging masungit si Sebastian sa kaniya ngunit paglaon ay natutunan siyang mahalin nito kahit na hindi niya mawari kung saan nga ba nagmula ang dalaga, gayun din naman si Lara para sa binata kung kaya't sila ay naging magkasintahan.
Nang magkasakit si Lara ay nakausap niya ang isang matandang manggagamot. Binigyan siya nito ng babala at binalaang huwag nang babalik sa panahong ito.
Makababalik kaya si Lara sa kaniyang panahon? Paano si Sebastian? Papayag ba siyang maiwan sa taong 1889?
Ano kaya ang mangyayari kay Lara?
Ano kaya ang mangyayari sa pag-iibigan nila ni Sebastian?
Paano nila susuungin ang hamon ng buhay gayong sila ay ipinanganak sa magkaibang panahon?
Ito ay isang kwento tungkol sa pag-ibig, kasaysayan, at paglalakbay sa ibang panahon.
Ginanap sa: Pilipinas, 1889 at 2018
Highest rank achieved:
⋆ #1 in timetravel (February 7, 2021) ⋆
⋆ #1 sa pilipinas (December 4, 2020) ⋆
⋆ #1 in PhilippineHistory (May 31, 2019) ⋆
⋆ #4 in Historical Fiction (May 13, 2018) ⋆
Thank you! Thank you! ❤❤