Love is worth everything. Yun ang paniniwala ni Yslaia. Dahil kapag mahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat para sa kaniya kahit na ikasira mo pa. Then she met Gabriel again. Her childhood bestfriend. Mula pagkabata hanggang sa makatapos ng high school ay magkaibigan na sila. Mula pagkabata hanggang ngayon ay si Gabriel pa rin ang hinahanap ng puso niya. Kaya naman laking tuwa niya nang malamang sa parehong unibersidad sila pupunta. Sa pagtungtong nila ng kolehiyo, mararamdaman niya ang unti-unting pagbabago ng pakikitungo ni Gabriel sa kaniya at ang tuluyang pagkasira ng pagkakaibigan nilang dalawa. Mahirap. Masakit. Madaya. Nakakalunod. Makakaahon pa kaya siya sa lalim ng kaniyang pagkakahulog?