My Sacred Love Affair
  • Reads 1,702
  • Votes 70
  • Parts 14
  • Reads 1,702
  • Votes 70
  • Parts 14
Ongoing, First published Jul 23, 2023
Mature
PROLOGUE

       "BITAWAN NYO AKO!"  sigaw ko habang sige ang piglas ko.  "ISUSUMBONG KO KAYO KAY PAPA!"   pero nagpatuloy lamang ang mga ito sa pagtali sa paa at kamay ko sa ibabaw ng malapad na mesa na may naka-ukit na Bituin.

       Tanging liwanag mula sa kandila lamang ang nagsilbing ilaw sa loob ng Silid na kinaroroonan namin ni wala itong bintana man lang. Madaming tao pero hindi ko gaanong kita ang mga mukha nila lahat sila nakasuot ng kulay Itim na telang tumatakip sa kabuoan ng katawan nila at mukha.

      "P-PAKAWALAN NYO NA PO AKO!"  muling daing ko.

      Bumukas ang kaisa isang pinto ng Silid at bumungad sa akin ang Isang pamilyar na anyo kahit pa nakasuot ito ng telang kulay Itim at nakatalukbong din ang mukha alam kong si Papa ang taong yon.

      Ngumisi ito saka naglakad palapit sa kinahihigaan kong lumang mesa.   "Kumusta na ang Prinsesa ko? Dapat maging masaya ka sa ika-labing Walong Kaarawan mo dahil makikilala mo ang Isa sa pinakamakapangyarihang Demonyo na dinadakila namin." 

       Umiling ako.  "Papa. Kalagan nyo na po ako. H-hindi--- na po nakakatuwang biro ito!"  hagulhol ko.

       Hindi umimik si Papa, may kinuha ito mula sa tagiliran niya saka nito hinawakan ng mahigpit ang kaliwang kamay ko.  "Pasasalamatan mo din ako, Anak. Lage mo lang tatandaan na mahal kita."

       Napahiyaw ako sa sakit ng paghiwa ng hawak nitong punyal sa palad ko.

       "Yan. Siya na ang bahala sayo. Sigurado namang dadating siya para sayo, Adela."  tumalikod na si Papa saka ako iniwan kasunod nito ang mga tauhan niya. 

       Unti unti na akong namamanhid siguro masyado ng madami ang dugo na umaagos mula sa palad ko. Lumalabo na din ang paningin ko---- ito na ba ang katapusan ko?


NOTED:
Lahat po nang gawa kong Story ay Orihinal kong Likha kung may pagkakapareha man sa Pangalan, Lugar at Pangyayari ay hindi ko po sinasadya.

CREDIT TO THE OWNER OF THE PHOTO 😁
All Rights Reserved
Sign up to add My Sacred Love Affair to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
Slide 1 of 1
In Case You Die (A Collaborative Novel) cover

In Case You Die (A Collaborative Novel)

29 parts Complete

Private investigator and necromancer Lawrick Stryker takes on cases for money with no attachments or feelings involved...until he meets Alvis Sullivan, the girl he is willing to save from a rogue soul no matter what it takes. *** After taking over a private investigator business, Lawrick Stryker makes a name for himself in the city of Creos. His cases have a hundred percent success rate, but solving them comes with a hefty price. Clients pay no matter the cost, and Lawrick makes the most of it, for he can find anyone here and in the afterlife. He usually dissociates himself from his clients, but when he meets company heiress Alvis Sullivan, all hell breaks loose. Now interested in the correlation of Alvis to the recent deaths in Creos, Lawrick decides to make a move. Can Lawrick solve this case and catch the rogue soul wreaking havoc in Creos before it's too late? Disclaimer: This story is written in Taglish, a combination of Tagalog & English. Cover design by Louise De Ramos.