PROLONGED "Noah!" masayang tawag sa akin ni Lily...kababata ko Siya pero masmatanda ako ng tatlong taon. "Bakit?" Huminto siya sa pagtakbo. "Malapit na ang Birthday ko. Anong regalo mo sa akin?" "Ha? Kelangan pa ba nun?" "Oo! Ang yaman yaman mo tapos ang kuripot mo!" apo siya ng katiwala namin dito sa Hacienda. Nagkikita kami sa tuwing nagbabakasyon kami ng pamilya ko dito sa Leyte. Natawa ako sa sinabi niya. Si Lily ang dahilan kung bakit ako pumupunta Dito sa Lugar na to...si Lily ang pinakamagandang bulaklak na nakita ko. "Syempre may regalo ako Sayo! Saka ko na ibibigay ha para surprise." Nagtatatalon siya sa tuwa. Napapangiti niya ako sa mga simpleng reaksyon niya na walang halong kaplastikan. "Salamat...Noah..." Sabay yakap niya sa akin.