Ang nobelang "I have holy power so I will marry the prince. But I also like the duke and the magic tower master, so I have a hard time choosing, so maybe I will marry them all" ang paboritong nobela ni Virginia Cruz o Nina. Nandoon ang kanyang paboritong prinsipe, duke, magic tower master at ang kanyang pinaka hate na karakter ang bidang babae. Dahil sa hindi pagkakaunawaan, nabuhay siya sa kaharian ng Sadi bilang Ophelia ang kanyang kinamumuhian na karakter at ang bida sa nobela. Ang kanyang hinahangaang male lead ay ibang iba pala sa nobela. Sa magulong mundong ito, tatlong salita lang ang nasa kanyang isipan "Magiging malaya ako". Gagawin niya ang lahat upang makawala sa plot ng nobela. Mahahanap niya ang adventure, friendship, at ang misteryo ng nobela. Syempre makikita niya rin ang kanyang male lead, not your typical male lead. Ang taong perfect para sa kanya. Subaybayan ang kwento ni Nina, your not a typical heroine.