"In all the fairy tales, there was a happily ever after, but right now my happily ever after seems so once upon a time." -Zyren Naranasan mo na ba ang paulit-ulit na pagkabigo at paulit-ulit na nasaktan? Dahil lamang sa ikaw ay nagmamahal nang lubusan? Dahil naniwala ka sa salitang 'forever'? Dahil naniwala kang may 'happily ever after'? na may 'Prince Charming'? Naisip mo na din ba ang sumuko na? Iyong alam mo naman sa sarili mo na talaga lang hindi ka pinagpala sa larangan ng pag-ibig? Iyong bitter ka dahil bakit ikaw pa ang nakakaranas ng pagkabigo samantalang wagas ka naman magmahal at loyal ka pa sa taong mahal na mahal mo. Na ikaw na napakabait mo sa mga taong nakapaligid sa iyo pero halos walang karapatan para naman lumigaya. Iyong feeling na para kang sinumpa, na kahit ilang beses mo pa mag try na magmahal at halos ginamit mo na nga ang isip mo para huwag lang masaktan pero ganun pa din ang nangyayari? Pero dahil tao ka lang at gusto mo maranasan ang maging masaya naman ang napakalungkot mong buhay, ito ka ngayon at sumubok na naman na magmahal ulit. Ako si Zyren. Isa sa libo o milyong batang naniniwala sa Fairytale at happy ever after. Noon... Pero simula ng dumating siya buhay ko nagbago ang lahat.All Rights Reserved