Love in 1900's -- Claudia Plaza is a beautiful lady in her barrio. She's probably one of the women who has a lot of suitors. Kahit nasa elementarya pa lamang siya ay hindi iyon hadlang para dalawin siya ng mga kalalakihan noon. Gabi-gabi ay may humaharana sa maliit nilang kubo. Ngunit kahit gaano karami ay ni isa ay walang nagpatibok kahit na katiting sa puso niya. Ngayong nagdadalaga na siya at unang araw niya sa high school, kailangan na niyang magseryoso at lumayo muna sa mga ganoong buhay. Kailangan niya rin alisin ang arte sa katawan niya dahil ang kanilang daan ay hindi sementado. Kaya tuwing tumitila ang ulan ay pikit mata niyang sinusuong ang maputik na daan suot ang tsinelas habang hawak ang lumang-luma niyang pares ng dalawang sapatos. Maputik ang daan at kailangan pa niyang tanggalin ang kaisa-isa niyang itim na sapatos dahil ayaw niyang masira agad ito. Pero nang dahil doon ay madalas lumubog ang paa niyang may suot na tsinelas. Ngunit mukhang iyon pa ata ang dahilan para bumagal ang oras niya. Dahil nang minsan na hindi siya makaalis sa putikan, mayroong isang maginoo ang tumulong sa kaniya habang sakay-sakay sa kulay kape nitong kabayo. "Kamusta? Kailangan mo ba ng tulong?" And Claudia knew, the moment that stranger offered her rough hands at her, she already fell in love. And now Claudia doesn't know what to do about the boy riding a brown horse in the middle of a muddy road, making her heart beat like crazy.All Rights Reserved