Our last morning bub (When We We're Juniors #5)
31 parts Ongoing "Mahal kita, bub. Palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita."
"Our last morning is very memorable, thank you for everything, bub. I love you very very much."
Jimmuel Kaide Martin, bata pa lang ako nakilala ko na ang babae na pakakasalan ko balang araw. Ngunit may isang pangyayari na hindi ko inaasahan... nalaman ko na hindi pareho ang nararamdaman namin sa isa't isa, na ako lang ang nagmamahal sa aming dalawa. Ngunit sa paglipas ng panahon ay magkakasama kaming dalawa, at sisimulan ang naudlot naming kwento.
Cess Erica Nigoza, saksi ako kung paano namatay ang mga magulang ko, bata pa lang ako noon. Maaga akong naulila, si tita Grace ang nag alaga sa akin. Mahina ang pangangatawan ko kahit wala naman akong sakit, kaya todo ang pag iingat sa akin nina Ninang Den at ninong Jim. Ngunit ramdam na ramdam ko ang paglayo sa akin ni Kaide.
Nang maging maayos ang relasyon namin bilang kaibigan, ay doon ko nalaman na may malubha na pala akong sakit na hindi ko namamalayan.
Mahal ko siya, naduwag lang akong aminin nung una dahil mga bata pa lang kami noon.
Kung kailan mahal namin ang isa't isa ay mas lalong humina ang katawan ko, hindi ko alam kung paano ako lalaban.
Siya ang kalakasan ko. Kahit sa huling umaga naming magkasama ay sa kanya ako kumukuha ng lakas para lumaban.