Aral dito, trabaho doon-halos wala nang pahinga si Erina para lamang mabayaran ang mga bills at malaking utang na iniwan ng kanyang ama. Minsan, napapaisip siya kung isinilang ba siya sa mundo para lamang magdusa.
Hanggang sa isang trahedya ang naganap-bumagsak ang sugatan niyang katawan mula sa Jones Bridge patungo sa ilog Pasig, biglang naglaho ang sakit na kanyang nadarama at napalitan ito ng pamamanhid at isang kakaibang pakiramdam. Sa kanyang pag-ahon, ibang tulay, ibang panahon at ibang simoy ng hangin ang sumalubong sa kanya. Lumang kapaligiran, kasuotan, at mga taong tila galing sa nakaraan ang kanyang nasilayan.
Sa panahon ng Kastila, naranasan ni Erina ang isang pamumuhay na lubos na naiiba sa modernong mundong kanyang kinasanayan. Unti-unti, lumawak ang kanyang kaalaman sa kasaysayan. Natagpuan niya ang sarili sa piling ng isang buo at maayos na pamilya, nakatagpo ng mga bagong kaibigan, at higit sa lahat, umusbong sa kanyang puso ang isang hindi pamilyar na pakiramdam nang makilala ang lalaking magtuturo sa kanya kung ano nga bang kahulugan ng pag-ibig. Ngunit isang tuso at kinatatakutang kapitan ng hukbo ang biglang gumulo sa kanyang isipan at damdamin. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, ang kasiyahan, kapayapaan, at pagmamahal ay natagpuan niya sa taong hindi niya inasahan.
Our Asymptotic Love Story (Published by Bookware Publishing)
47 parts Complete
47 parts
Complete
Prequel of "I Love You since 1892"
Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing bumubuhos ang ulan at sa tuwing nakikita niya ang estrangherong naghahatid ng magkahalong saya at lungkot sa kanyang puso: si Nathan.
Magagawa kaya nilang maitama ang pagkakamali ng nakaraan upang maiwasan ang trahedyang dulot ng bawal na pag-ibig na nagsimula pa noong una at nagpapatuloy kahit ilang siglo na ang nakalipas? O hanggang sa panahon bang ito ay hindi pa rin nila mababago ang nakasulat sa kanilang kapalaran?
A story that will look back from its past and present. Will the lines connect them for the second time around? or Will history repeats itself?
[Next: "Bride of Alfonso"]
Date Written: May 06, 2017
Date Finished: November 12, 2017