Dahil sa isang pagkakamali, isang siglong binalot ng sumpa ang Altalune region. Ngunit sa kabila ng sitwasyon ng Altalune region, pinili pa ring manatili ni Khione D' Mistral sa bayan ng Wintervale bilang herbalista. Para sa kanya, ang pagsagip ng buhay ang pinaka-importanteng bagay dahil sa pagkamatay ng kanya'ng itinuring na magulang. Sa paglipas ng panahon, ang inaakala niyang tahimik na buhay ay magugulo dahil sa panggugulo ng anak sa labas ng alkalde ng Wintervale. Sa kagustuhan niyang makatakas ay iniligtas siya ng tagapagmana ng maharlikang pamilya na nagmula sa kaharian ng Lunaires na si Maximillian Von Lawstein at ng kaibigan niya na si Isidore. Sa pag-apak ni Khione sa kaharian ng Lunaires, maraming bagay ang nagpabago ng takbo ng kanya'ng tadhana. Sa kanya'ng pamamalagi, makakamit niya pa kaya ang payapang pamumuhay o sa kaharian ng Lunaires ay makakamit niya ang tunay kahulugan ng pagmamahal?