Gusto mo ba ng tea... tea?
KaBobahan Shop is now open to serve you the sweetest, tastiest, and handso- Charis, tea pala ang tinda natin. Ang kwentong maghahatid sa 'yo ng kili-tea. Mga mensaheng magbibigay sa 'yo ng malaking ngi-tea. At syempre, malaking tea- Tea kasi ang best seller namin.
Isa ka bang maharot pero takot sa commitment? Puro harot na medyo may charot? Yan, dyan ka magaling. Tama lang pala 'to sa'yo.
Bago tayo magsimula sa kwentong 'to, alam n'yo, puro kalokohan at kababawan lang 'to. Wala tayong kailangang seryosohin. Ang story na to ay puro kagaguhan at katarantaduhan lang. Kaya 'wag na kayong umasa sa matinding plot twist o intellectual shiz. Walang ganyan dito 🥰
Kaya kung hanap mo ay isang seryosong kwento, haha gagi, itapon mo na ang expectations mo teh. Hindi 'to ang para sa'yo.
So, bibili ka ba? Ano pang hinihintay mo?
BUY ONE, TAKE ME!
Watty: @LostCalypso
Panganay si Mckienly sa apat na magkakapatid.
Bata pa lamang siya ay natuto na siyang tumayo sa sariling mga paa at magpaka magulang sa kaniyang mga nakababatang kapatid.
Wala siyang choice kung hindi harapin ang responsibilidad na iniwan ng kaniyang mga magulang.
Ngunit sa kabila ng kaniyang nararanasan na kahirapan, may isang tao parin siyang naging sandalan.
Tunay nga ang sabi nila, sa kabila ng kahirapan may kaginhawaan. At sa kabila ng kalungkutan may kasiyahan.
Maging sa kaniyang pinakamabangis na panaginip ay hindi niya inaasahan na makakatagpo ng ganong lalaki, na handa siyang damayan at tulungan.
Ngunit gaya din ng sabi ng iba, na sa kabila ng kasiyahan ay may kapalit na kapighatian.
Makakaya ba nilang lumaban hanggang dulo, o tatanggapin nalang na hindi sila hanggang dulo?
Date started: 08/04/23
Date Completed: 08/27/23