~Complete~ Binabalot ng misteryo ang bayan ng Silay dahil sa mga patayang walang malinaw na bakas. Sa gitna ng kaguluhan, tahimik na umuwi ang estudyanteng si Eris Ferrer kasama ang kaniyang Lola Martha sa kinalakihang bayan. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkrus ang landas ng dalaga at ng Lantern Circle, isang lihim na grupo ng mga kabataang humuhukay sa katotohanan. Ang simpleng pagbabalik ni Eris ay biglang naging bahagi ng isang mapanganib na imbestigasyon kung saan ang bawat bulong ay may kapalit na buhay. Sino ang tunay na humahawak sa hibla ng buhay at kamatayan? Bakit tila hindi mahuli-huli ang salarin? At sa pagpasok ni Eris sa grupong ito, sino kaya ang susunod na mabibiktima?
Mais detalhes