Long Distance Relationship, maraming tao ang matapang na pumapasok sa gantong set up ng relasyon. Kung saan ay magkalayo kayo, hindi niyo nagagawa yung mga normal na nagagawa ng magkarelasyon. Tulad ng pag yayakapan, hawak kamay, at halik. Iba pa din kasi kapag nakakasama mo siya ng personal kasi napapakita at napaparamdam mo sakanya na mahal na mahal mo siya, na aalagaan mo siya kahit anong mangyare. Ako si Mikaella Perez. Ella for short. Tulad ng iba na matatapang, pinasok ko ang gantong uri ng relasyon. ------------ 1: "Ella! Ano ba yan. antagal tagal mo naman magasikaso malalate na tayo oh. May Flag ceremony pa tayo" Sigaw ng kuya ko si Aidrian. Nalate kasi ako ng gising. Nga pala 1st year high school na ko at 2nd year high schoolnaman si kuya. Apat kmi magkakapatid at ako lang ang babae. Wala na kaming tatay kasi sumakabilang bahay na. Kaya mama lang namin ang nagaasikaso sa pag aaral namin. "Oo. Eto na po kuya" "Eto talaga. Ambagal kumilos. Akina na yang bag mo" Inabot ko ang bag