Mahirap talaga mahalin ang isang tao kung isa siya sa mga taong halos sumira na ng mundo mo. Para kang sinasakal at ang bawat mapapait na ala-ala nito, hindi kailan man mawala-wala dahil nariyan siya sa tabi mo. Kailan ba siya malayang makakapagmahal? Maraming buhay ang pilit gumagawa ng paraan para pigilan siya. Ang bawat memorya sa isipan at puso niya, gabi gabi siyang dinadalaw at hindi pinatutulog. Sa kagustuhang mabigyan ng hustisya ang mga buhay na nawala, pag ibig niya ang kaniyang iniaalay at iniwan.