Ipinanganak si Kaia na babae... pero pusong lalaki siya - no doubts, no hesitations. She loved boldly, kahit alam niyang maraming hindi makaka-gets. Pero isang araw, biglang game over. Iniwan siya ng girlfriend niya para sa isang gwapong transfer student. Isang iglap lang, from "us against the world" naging "seen zoned" na lang siya. Pero si Kaia? Hindi marunong sumuko.Kung hindi siya pinili... gagawa siya ng paraan para siya ang piliin ulit - lalapitan niya ang bagong mahal ng ex niya. Enters Archie - STEM student na parang walang stress sa buhay at laging G sa kahit anong trip. Akala ni Kaia kontrolado niya ang sitwasyon. Plot twist? Feelings don't follow plans. Habang lumalalim ang pagpapanggap, mas nagiging totoo ang nararamdaman. At sa gitna ng selosan at identity crisis na ayaw niyang harapin, isang tanong ang paulit-ulit: Kaya ba niyang panindigan ang planong ginawa niya para sa pag-ibig? O ang pag-ibig mismo ang magtuturo sa kanya kung sino talaga siya?a
More details