Life is full of sacrifices. Kapag nagmahal ka gagawin mo ang lahat maibigay lang ang gusto ng mahal mo. Kapag nagmahal ka kahit na masakit ay magtitiis ka basta makita mo lang na masaya ang mahal mo kahit na sa kabila ng kaniyang ngiti sa ibang tao ay doble ang pasakit n'un sayo. Bakit ganoon naman talaga ang magmahal di ba? "Miracle are you sure about this?" tipid na ngiti lang na naisagot ko sa kanya "isipin mo naman ang sarili mo please. Alam kong mahal na mahal mo siya pero huwag mo naman gawin sa sarili mo 'to please" umiiyak na wika ng kaibigan kong si Rea. Buong buhay ko siya ang kasama ko dahil parehas kaming lumaki sa ampunan. Nang maging ganap na dalaga na kami ay umalis kami sa ampunan upang tahakin ang buhay sa labas at magkaroon ng sariling buhay. "Don't worry best last na 'to!" tumango lang siya at nagsimula na kaming magpractice para sa kakantahin ko sa susunod na linggo. "Basta best kahit anong mangyari huwag na huwag kang mangugulo sa araw na 'yun dahil 'pag natapos ang araw na 'yun babalik na sa lahat" pilit kong pinipigilan ang luha ko ngunit hindi ko ito napigilan kusa itong pumatak. Love is everything to the point that even your feelings towards the person you love cannot reciprocated anymore.