Masayang Buhay, puro tanghalan. Yan ang makikita sa Imperyo ng Agualavisca. Silang nangangalaga sa karagatan, may malusog na isla at pangisdaan ay gugulantangin ng mga bisitang wari'y inanyayahan. Mga piratang mababangis na may ambag sa kanilang mga buhay. "Hanggang kailan kayo mananatili rito?" "Kararating lang namin ay pinaaalis mo na agad. Wag kang mag-alala, marahil ay tatagal lamang kami ng tatlong linggo at sa huling araw niyon ay sisiguraduhin kong hindi mo na nanaisin pang kami'y umalis." May mabubuo kayang pag iibigan? Sa pagitan ng isang matibay na dalaga na pinarupok ng nakaraan at isang Kapitan ng grupo ng mga pirata na nagnanais ng kayamanan? Abangan!