Si Lavinia ay masayang namumuhay kasama ang kan'yang ina, ngunit pakiramdam nya ay may kulang pa rin sa buhay nya . . . ang kan'yang amang tanging sa litrato n'ya lamang nasisilayan. Hanggang isang gabi, dumating ang hindi n'ya lubos akalaing mangyayari. Ang gabing magbabago sa takbo ng kan'yang buhay. Paano kapag alam n'yang isa pala s'yang prinsesa? Ang nag-iisa at karapat-dapat na taga-pagmana ng trono. Makakaya n'ya bang gampanan ang kan'yang responsibilidad o magiging sanhi ito ng kan'yang pagbagsak?